Inner Beauty

Nakuha ko lang ‘to sa post ni blogniinday.com nakakatuwa heheh

Patulog na sana si Inday pagkatapos niyang manood ng Oprah. Pero dahil medyo hindi pa siya inaantok, nagpasya siyang ilipat ang channel at nagkataong Bb. Pilipinas 2008 pala ang palabas sa GMA. At tiyempong Q and A pa ang naabutan niya kaya medyo nagising ang ulirat niya nang nagtanong na ang isang judge tungkol sa kahalagahan ng pamilya sa pagsali ng isang kandidata sa naturang beauty pageant.

Bago pa man sumagot ang kandidata, sinabi ni Inday sa sarili, “Lucky for her, that is a very plain and straightforward question!”.

Ngunit napanganga si Inday nang marinig nya ang kasagutan ng binibini,

Janina San Miguel: “Well, my family’s role for me is so important b’coz there was the wa- they’re, they was the one who’s… very… Hahahaha… Oh I’m so sorry, Ahhmm… My pamily… My family… Oh my god… I’m…
(Paolo Bediones: Pwede ka magtagalog,ok lang) Ok, I’m so sorry… I… I told you that I’m so confident… Eto, Ahhmm, Wait… Hahahaha, Ahmmm, Sorry guys because this was really my first pageant ever b’coz I’m only 17 years old and ahahaha I, I did not expect that I came from, I came from one of the taf 10. Hmmm, so… but I said dot my family is the most important persons in my life. Thank you.”

Pagkarinig ng mga pahayag ng Binibini, nasabi nya na lang sa sarili…

“What a loss! She has the potential of a would-be beauty queen. However, by the way she responded to the query, her height definitely did not compensate with her ability to communicate fluently in English. She should have instead, consistently converged in Filipino throughout her answer. Worst, she still managed to qualify that her age had something to do with her difficulty.”

Sabay lipat ng channel..

Ngunit dahil na rin sa hindi pa siya dinalaw ng antok, at dala na rin ng kuryosidad kung sinu-sino ang mga tatanghaling kandidata na magrerepresenta sa Pilipinas sa mga internasyonal na paligsahan ng ganda, talino at talento, nagawa pa niyang panuorin ang koronasyon.

Laking gulat niya sa announcement ng mga nanalo ay nasama sa tatlong pinakamasayang Filipina sa gabing iyon ang kandidatang pinagsabihan niyang “What a loss!”.

Ngunit may parang bagong realisasyon sa sarili si Inday,

“Well, maybe (took a deep audible breath and a bit affected) they saw in her inner beauty, which is not gauged by mere sugarcoating of words or grammatically-correct construction of sentences, but more of being real and true to oneself and admitting that she has flaws and is ergo, imperfect. That may have made her win the crown, if all things were equal that is. However, to further develop her communication skills especially that she will represent our country in the future international pageant, she must at least continuously correspond to people like me, who’s adept in English fluency and are connoisseurs of beauty pageants e.g. past beauty queens themselves.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: