Walang Kwenta

Sa palipat lipat ko ng companya sa halos iba’t ibang lugar at iba’t ibang posisyon na ginampan ko sa bawat companyang malipatan ko, may napansin ako sa ikot ng mundo ng mga tao… Well, halos parepareho lang din ang mga ugali at katangian ng mga taong nakikita ko sadyang magkakaiba lang talaga sila sa mukha at ng pangalan… sa tingin ko tama nga yung linyang “people are the same wherever you go” sa kantang ebony and ivory ng the beatles.

Nung isa pa lamang akong trainee na walang ginawa kundi magantay ng utos at mautusan, at magtago pag tinatamad kung kelangan.. haha… nde ko makakalimutan madami din akong kalokohan kaso nde napapansin syempre dahil mukhang anghel ang mukha ko at nde makabasag pinggan, nagbuhat daw ba ng sariling bangko nde jowk lang iun hehe…

Sa mga pareparehong katangian ng mga taong nakikita ko sa companya eto ang mga napansin ko.. haha tignan nyo baka kayo na ‘tong mga tinutukoy ko. Etong mga sasabihin ko e mga taong tanging ang mga mata ko lamang ang nakakakita at kung paano ang approach nila sa tao.

Sa isang companya meron taung tinatawag na director sya ang pinakaboss sa companya kung tawagin, may mga 5 na akong ugali ng director na nakikita, ito yung mga taong sadyang mahirap nga naman abutin dahil may reputasyon silang pinanghahawakan at bibihira mo lamang sila kung makausap, makausap mo man, sa mga meeting meeting lamang talaga, minsan nga sa job interview lang eh bago ka makapasok haha o kaya naman papagalitan ka sa kamalian mong ginawa o kaya naman pag resign mo na dahil sila ang mageexit interview sa u o heart to heart talk kung tawagin at pipilitin ka lamang mag stay kahit gustong gusto mo na umalis at pag alis mo nde ka na nila kilala, wakekeke at ang naging paborito ko sa lahat ng mga director ay si mommy ang director sa i-noveau, gusto ko sya dahil she cares so much about you nde lang about sa work kundi pati nrin sa personal growth mo, lagi syang may advice sa u at madami dami narin akong natutunan sa kanya yun nga lang kasi nde ko alam kung ano nangyari sa i-noveau bigla nalang naglaho, iba talaga si mommy sa mga directors… anyway, mapunta naman tau manager, iba’t ibang klase ng manager ang makakasalamuha mo sa companya may center manager, operations manager, head manager, manager I, manager II, isama narin natin ang supervisor at mga head kasi pareho lang naman tingin ko sa tatlong position na ito, I mean pareho lang ang ugali ng manager, supervisor at head, itong mga taong ‘to ang hindi mo matimpla ang ugali para silang mga kape minsan sobrang tabang, minsan naman sobrang tamis, minsan katamtaman lang etc at bakit ko naman nasabi ‘to sila yung madalas na nagsusuplada at maepal kung tinatwag, natural manager sila eh kelangan tlaga nila umepal. Haha bka may magalit pag may nakabasa nito, sila yung mga taong mabait sa u kapag may ginawa kang mabuti para sa companya at nde ka nila papansinin pag nde ka kapansinpansin, sila yung mga madalas na perfectionist gusto nila lahat perfect kung baga “hard to please”, nde ko naman nilalahat dahil may mga mababait din naman tulad ni ms emma at ms lyn. Lahat naman ng manager o supervisor eh nagiging idol ko ano pa man ang ugali nila bilib na bilib ako sa kanila kahit na minsan may nakikita akong kapalpakan din nila pro rinerespeto ko talaga sila kahit na madalas eh nde tlaga sila maintindihan. Nahahati sa tatlo ang description ko sa kanila una ang mga idol ko, sila yung may strong and pleasing personalities na sadyang nakakabilib talaga at kapag sila kausap ko gusto ko wala silang makitang kamalian sa akin, sa kanila ako madalas mahiya at ako naman ang kanilang madalas na winawalanghiya(jowk lang), sila yung mga taong madami nang achievements at taas noo pati kamay ko sa kanila dahil kahit papano nagiging inspirasyon ko sila dahil narin siguro gusto ko rin magaya sa kanila balang araw, sila yung mga taong madalas kong hingan ng tulong at advice, sila yung mga taong sadyang mahirap bilugin ang ulo at syempre bukod sa mabait na maganda pa tulad ni Ms. Erma, Ms. Emma, Tita Weng, Ms. Blanca, Ms. Grace at Ms. Lyn. Pangalawa ang semi-idol ko, sila yung mga taong may strong personalities pro nde nga lang pleasing, tulad din ‘to ng description ko sa nauna pro nde nga lang sila magaganda o gwapo pro syempre idol ko prin sila. At ang pangatlo naman eh yung tipong may posisyon nga pero wala akong pakialam sa kanila… Mapunta naman tau sa mga lead or mga immediate superior or assistant lead o kung ano man na kaepal epal na posisyon na prang wala lang, sila yung mga madalas laitin at pinaguusapan nde ko malaman kung bakit pro madami tlagang ganito, sila yung madalas masiraan onting pagkakamali lamang, wala silang kakampi madalas dhil ayaw sila ng team nila at pinaplastik lang sila ng boss nila wakekeke(jowk lang), sila ang mga taong sunod sunuran sa mga boss, sila yung mga may posisyon na parang walang silbi may matawag lamang na team sila ang sumasalo sa kahit anong sermon at pag nasermonan na ibabalik naman nila sa team nila haaay naku ewan ko nga ba kung ano tlaga ‘tong posisyon na ‘to parang wala tlagang silbi may mga paborito rin akong naging asst lead at syempre unlike yung iba na walang kwenta sila yung kapakipakinabang at maasahan si Ate Maricar at si Ate She mababait kasi silang kaibigan. Meron pang isang klase, hmmm nde ko na masabi pro ang mga taong ‘to ay madalas na kung tawagin natin ay sip sip, stupid inexperienced people seeking immediate position or wannabe kung tawagin, madaming ganito sa mga opisina, haha.. mapunta naman tau sa mga colleague iba sa mga co-workers natin eh sadyang nagiging kaibigan ntin kapag nakajive natin sila sa ugali, actually they are not really our friends pero sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos wala kang choice kundi makasama sila at sila din ang lagi mong nakikita kaya when you treat each other, sila na rin naman ang oras oras mong kasama treat each other like brothers, well may iba’t ibang klase talaga ng ugali ang mga tao sa companya, may geek, may plastic, may sipsip, may tsismosa, may atribida, may feeling, may maporma, may palakaibigan, may weirdo, may gwapo, may pangit, may taong grasa(este dugyot) at kung ano ano pa… Pro isa lang ang masasabi ko, walang ka kwenta kwenta ‘tong sinulat kong blog… dagdag space lang, cge na.. ciao…

2 responses to “Walang Kwenta”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: