Pag sinabi ko…
-By: Rhiana – June 11, 2009
Pag sinabi kong maganda
ibig sabihin ayaw ko sya
Pag sinabi kong mamaya na
ibig sabihin tinatamad ako
Pag ang tawag ko sa ‘yo ‘tol
ibig sabihin kapatid na turing ko sa ‘yo
Pag sinabi kong pwede ba kitang tawagin na ateh?
ibig sabihin idol na kita
Pag sinabi kong pwede ba kitang maging kuya?
ibig sabihin nilalandi kita
Pag nagpaturo ako sa ‘yo
ibig sabihin hinahangaan kita sa talento mo
Pag sinabi kong cute
ibig sabihin ok lang
Pag sinabi kong ako na
ibig sabihin huwag ka nang maki-alam pa
Pag sinabi kong maghintay ka lang
ibig sabihin nagawa ko na
Pag sinabi kong wala ng pag-asa
ibig sabihin nagawa ko na d ko na kayang gawin pa
Pag sinabi kong naiinis na ako
ibig sabihin malapit na kitang sampalin
Pag sinabi kong bahala ka na
ibig sabihin ubos na pasensya ko
at pag nawalan na ako ng gana
d mo na ako maririnig magsalita pa…